𝗦𝗞 𝗞𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗟𝗢𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗜𝗚𝗧𝗜

Natagpuang nakabitin sa kisame ng bahay ang katawan ng 22 anyos na SK Kagawad sa isang barangay sa Binalonan.

Ayon sa kaibigan ng biktima, bago ang insidente ay nakatanggap siya ng mensahe mula dito ukol sa kaniyang planong pagpapakamatay.

Dahil dito, nagpunta ang kaniyang kaibigan sa kanilang bahay upang sabihin sa pamilya ng biktima ngunit huli na ang lahat dahil ito ay nasawi na.

Itinakbo pa sa pagamutan ang katawan nito ngunit idineklarang dead on arrival.

Ayon sa pamilya ng biktima dumaranas ito sa depression bunsod ng karamdaman na lung cancer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments