
β
βCauayan City – Naglatag ng mas pinaigting na hakbang laban sa mga aksidente sa kalsada ang San Agustin Municipal Police Station (MPS) katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng San Agustin.
β
βKabilang sa hakbang na ito ay ang paglalagay ng mga βSlow Down β Accident Prone Areaβ signage sa mga lugar na may mataas na insidente ng vehicular accidents.
β
βAyon sa pulisya, isinagawa ang hakbang matapos ang masusing assessment at koordinasyon upang matukoy ang mga high-risk areas gaya ng matatarik na kurbada, madudulas na bahagi ng kalsada, at mga lugar na mabilis ang daloy ng sasakyan.
β
βBinigyang-diin ng kapulisan ng San Agustin na ang inisyatibang ito ay bahagi ng patuloy na kampanya para sa disiplina at responsableng pagmamaneho.
β
βHinihikayat din ang publiko na sumunod sa itinakdang speed limit, iwasan ang distracted driving, at tiyaking maayos ang kondisyon ng sasakyan bago bumiyahe, tungo sa mas ligtas at maayos na lansangan sa San Agustin.
β
βSource: San Agustin Mps Valley Cops
ββ—————————————
β
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website,Β www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










