Pahirapan ang pagsakay sa ilang pampublikong sasakyan sa lungsod ng Dagupan, lalo na ngayong nararanasan ang pag-uulan gayundin ang mga pagbaha sa ilang bahagi ng lungsod.
Dahil dito, ilang pasahero ang pinipiling sumakay na lamang ng tricycle dahil ilan sa mga ito ang umiiwas sa baha.
Ilang tricycle drivers naman ang sinasamantala ang mga ito at naniningil ng sobra sa minimum fare na 10 pesos.
Ayon sa ilang mananakay, may ilan na nananaga sa pagsingil kahit na malapit lang naman ang distansya nito.
Ang ilan, nagpapadagdag pa raw kahit na mayroon nang napag-usapang singil. Ayon naman sa ilang tricycle drivers hirap umano ang mga ito sa ngayon dahil sa kabilaang konstruksyon ng kalsada maging ang baha.
Nagbabala naman ang POSO Dagupan na may karampatang parusa ang sinomang mahuhuling lalabag sa umiiral na taripang dapat sundin sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨