𝗦𝗢𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗣𝗘𝗡𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗖𝗜𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬-𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬; 𝗣𝗔𝗬𝗢𝗨𝗧 𝗦𝗔 𝟭𝗦𝗧 𝗦𝗘𝗠𝗘𝗦𝗧𝗘𝗥 𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟮𝟰, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜

Tuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng social pension ng mga senior citizen sa Dagupan City kung saan nito lamang ay naipamahagi sa mga ito ang kanilang payout para sa unang semester ng 2024.

Ang mga tumanggap ng naturang payout ay mga kwalipikadong mga senior citizens kung saan ilalaan ang natanggap na pinansyal sa kanilang pambili ng gamit at iba pang pangangailangan.

Tumanggap ng tig-anim na libong piso ang bawat senior citizens sa lungsod mula sa nasyonal na gobyerno.

Nasa kabuuang 5,575 na senior citizens naman ang nakasama sa naturang payout mula sa mga araw ng May 28 hanggang May 31, 2024. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments