𝗦𝗢𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗣𝗘𝗡𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗘𝗡𝗜𝗢𝗥 𝗖𝗜𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡𝗦, 𝗜𝗕𝗜𝗡𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗗𝗦𝗪𝗗 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟮

CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng pamamahagi ng social pension ang DSWD Region 2 para sa mga indigent senior citizen sa Lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Ang pamamahagi ay para sa ikatlong kwarter ng taong 2024 kung saan bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng P3,000 pesos.

Mayroong 8,881 beneficiaries ang nakatanggap ng tulong kung saan 1,197 sa mga ito ay mula sa bayan ng Quezon; 1,717 mula sa Villaverde; 1,374 mula sa Sta. Fe; ang mula naman sa Aritao ay 2,184 na benepisyaryo; at sa Kasibu na may 2,409 senior citizens.


Magpapatuloy ang pamamahagi ng pensyon ang Kagawaran sa buong Rehiyon Dos hanggang Setyembre ngayong taon.

Facebook Comments