𝗦𝗢𝗜𝗟 𝗘𝗥𝗢𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗚𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚, 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗥𝗜𝗡𝗔

Naitala ang soil erosion sa isinasagawang tulay sa San Gabriel 2nd-Pantol FMR sa bayan ng Bayambang dahil sa Bagyong Carina.

Ayon sa lokal na pamahalaan, isa sa mga naging sanhi ng slope soil erosion sa gilid ng tulay ay ang pag-apaw ng tubig ulan na nagmula pa sa Tarlac at karatig bayan.

Ang naturang proyekto ay nasa kalagitnaan pa lamang ng konstruksyon kung kaya’t agad na nakikipag ugnayan ang LGU sa pribadong kumpanya para sa kaligtasan ng mga residente.

Pinondohan ng Department of Agriculture-Philippine Rural development Project at world bank ang nasabing konstruksyon ng tulay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments