Bahagi ng tulong mula sa lokal na pamahalaan ng San Nicolas ang tulong pansaka na solar drying pavement para sa mga magsasaka ng bayan.
Ang naturang drying pavement ay may habang 11 meters, may lapad na 16.73M at lapat na .15M.
Layon nitong matulungan ang mga magsasaka sa pamamagitan ng mas pinabilis na pagpapatuyo ng kanilang mga aning produkto.
Ilan pang mga programa na may kaugnayan sa pagpapalakas ng agrikultura ang umaarangkada sa bayan tulad na lamang ng kailan lamang pamamahagi ng iba’t-ibang uri ng rice seeds bilang paghahanda sa wet cropping season ngayong taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments