CAUAYAN CITY – Nag-aalok ngayon ng tulong ang South Korea sa North Korea na dumanas ng malawakang pagbaha dulot ng naranasang matinding tuluy-tuloy na pag-ulan.
Dahil sa baha, libo-libong bahay ang nalubog sa tubig habang ekta-ektaryang taniman naman ang nasira.
Ayon sa South Korea Unification Ministry, nakahanda silang mag padala ng humanitarian aid partikular na ng mga supplies para sa mga residente nasalanta ng nasabing kalamidad.
Hinihikayat rin ng nasabing bansa ang Red cross na nakabase sa North na magbigay ang mga ito ng impormasyon kung ano ang tulong na maaari nilang ipadala.
Sa ngayon, ay wala pang tugon sa alok na ito ang North Korea.
Kamakailan lamang ay nagpatawag ng emergency meeting si North Korea leader Kim Jong Un upang pag-usapan ang gagawing hakbang sa kanila ngayong kinakaharap na problema.
Samantala, hindi pa mabatid sa ngayon ang kabuuang bilang ng halaga ng napinsala gayundin kung nagkaroon ng casualties.