𝗦𝗣𝗘𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗡𝗢𝗡-𝗪𝗢𝗥𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗛𝗢𝗟𝗜𝗗𝗔𝗬, 𝗜𝗗𝗜𝗡𝗘𝗞𝗟𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗘𝗖𝗛𝗔𝗚𝗨𝗘

CAUAYAN CITY- Pormal na idineklara ni Municipal Mayor Francis Faustino “Kiko” Dy ang ika-19 ng Marso bilang Special Non-Working Holiday sa bayan ng Echague, Isabela.

Ito ay alinsunod sa Executive Order No. 6 series of 2025 kung saan epektibo ito Pampubliko at Pribadong paaralan maging mga pribado at gobyernong opisina.

Ito ay bilang paggunita sa kapistahan ng mahal na patron ng St. Joseph The Worker at upang bigyang daan ang mamamayan ng Echague na makilahok sa pista.

Samantala, hinihikayat naman ng Lokal na Pamahalaan ang mga Echagueños na makiisa at dumalo sa kapistahan ng St. Joseph The Worker upang madama ang pagkakaisa at pagtutulungan ng komunidad.

Facebook Comments