𝗦𝗣 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗞𝗨𝗠𝗣𝗬𝗔𝗡𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗗𝗔𝗠𝗜 𝗣𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗨𝗦𝗨𝗟𝗣𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗘𝗚𝗢𝗦𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗

Kumpyansa ang Sangguniang Panlungsod ng Dagupan na dadami pa ang mga negosyanteng magtatayo ng kanilang negosyo sa lungsod.

Anila, may mga nagpupunta umanong mga negosyante sa lungsod upang magtanong ng requirements sa pagpapatayo ng negosyo rito.

Malaki umano ang maitutulong nito sa pagpapataas ng ekonomiya ng lungsod pati na rin sa pamumuhay at pagbubukas ng oportunidad sa mga Dagupeño.

Isa rin umano sa pinalalakas pa ay ang sektor ng turismo na may kaugnayan rin sa pagpapaangat ng ekonomiya ng lungsod.

Sa kabilang banda, nakatakdang talakayin ang iba pang usapin sa iba’t ibang sektor sa mga susunod na session. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments