𝗦𝗧𝗔𝗖𝗘𝗬 𝗢𝗖𝗔𝗠𝗣𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗞𝗜𝗡𝗢𝗥𝗢𝗡𝗔𝗛𝗔𝗡 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗨𝗧𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗟𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦 – 𝗩𝗜𝗦𝗔𝗬𝗔𝗦 𝟮𝟬𝟮𝟰

Wagi ang ganda ng isang Pangasinense sa isang prestihiyosong beauty pageant matapos koronahan bilang Mutya ng Pilipinas – Visayas 2024.

Nasungkit ni Stacey Ocampo ng Pangasinan ang titulo sa ginanap na Mutya ng Pilipinas noong ika-6 ng Setyembre sa San Juan City, Metro Manila.

Ipinamalas ni Stacey ang kanyang husay at galing sa pagrampa, maging sa question and answer portion na naging daan upang masungkit ang isa sa mga korona.

Tubong Bolinao,Pangasinan si Stacey at nagwagi noong 2023 bilang Limgas na Pangasinan Mutya.

Samantala, bumuhos naman ang pagbati sa nakamit nitong tagumpay at karangalan sa mga kapwa Pangasinense. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments