Maagang nagligpit ng gamit at paninda ang ilang stall owners sa Lingayen Baywalk na nangangamba sa posibleng epekto ng Super Typhoon Pepito.
Kahapon, ramdam na ang malakas na bugso ng hangin at malalakas na hampas ng alon na malapit sa kanilang pwesto.
Ang ilang paninda ng mga ito ay binitbit na lamang pauwi dahil baka anurin umano sakaling mangyari ang pagbaha noong kasagsagan ng Bagyong Kristine.
Samantala, ang mga stall owners naman sa may baratilyo at night market na nakahilera sa Brgy. Poblacion ay tuloy sa pagtitinda kahit pa mangilan ngilan ang customer.
Nauna nang inabisuhan ng Lingayen Local Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga stall owners na magbaklas kung kinakailangan matapos ipagbawal ang pagpunta at pagligo sa mga baybayin dahil sa posibleng epekto ng bagyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨