Hatid sa mga cataract patients ang libreng eye services ng lokal na pamahalaan ng Dagupan katuwang ang mga specialista at doktor mula sa isang medical foundation.
Saklaw ng naturang programa ang libreng eye check-up, Cataract and Pterygium Screening and Operation.
Ang programang “Star ng Pasko, Kita ko! Nagbalik Kulay and Buhay ko” ng LGU ay may layong matugunan ang krisis sa paningin ng mga Dagupeños lalo na ang mga seniors na nakararanas nito.
Samantala, ang pinalawig na programa ay bahagi na rin ng inihandang mga aktibidad para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan at annual city fiesta sa Dagupan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments