𝗦𝗧𝗔𝗧𝗘 𝗢𝗙 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗕𝗜𝗭𝗧𝗢𝗡𝗗𝗢, 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗜𝗗𝗘𝗞𝗟𝗔𝗥𝗔 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗣𝗔𝗚𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗡𝗚𝗨𝗘

Pinag-aaralan na ng Sangguniang Bayan ng Urbiztondo ang pagdedeklara ng State of Calamity dahil sa pagtaas ng naitatalang kaso ng dengue.

Sa pagtataya ng Rural Health Unit o RHU at ng Sanitary Division ng bayan, pangunahing sanhi ng pagtaas ng kaso ay ang stagnant water o naiipong tubig na pinamumugaran ng lamok na nagdadala ng dengue.

Dahil dito, nagsagawa na ng mitigating measures ang bayan upang maiwasan ang pagsipa ng kaso ng sakit.

Matatandaan na isa ang Urbiztondo na nasa watchlist ng Provincial Health office dahil sa naitatalang nasawi sa sakit.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments