𝗦𝗧𝗢𝗥𝗘 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗘𝗥, 𝗡𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗧𝗥𝗔𝗧𝗥𝗔𝗕𝗔𝗛𝗨𝗛𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗡𝗩𝗘𝗡𝗜𝗘𝗡𝗖𝗘 𝗦𝗧𝗢𝗥𝗘 𝗡𝗚 𝟰𝟬𝟬𝗞

Arestado ang store manager matapos nitong pagnakawan ang pinagtatrabahuhang kilalang convenience store sa bayan ng Bautista, Pangasinan ng 400,000.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, napansin ng area manager ng naturang establisyimento na mayroong iregularidad sa inventory report nito. Dito na napag-alaman na nawawala ang perang nagkakahalaga ng PhP 436,216.00.

Inamin ng suspek ang kaniyang pagnanakaw kung saan hindi umano idinedeposit sa Bangko ang arawang kita ng convenience store.

Inihanda na ang kasong Qualified theft laban sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments