𝗦𝗨𝗔𝗟 𝗠𝗔𝗬𝗢𝗥 𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗟𝗨𝗚𝗔𝗬, 𝗣𝗔𝗗𝗔𝗗𝗔𝗟𝗛𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗕𝗣𝗢𝗘𝗡𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗡𝗔𝗗𝗢

Nakatakdang padalhan ng Subpoena si Sual Mayor Dong Calugay matapos na hindi dumalo sa nagpapatuloy na pagdinig ng Committee on Women, Children, Family, Relations and Gender Equality ng Senado kaugnay sa POGO.

Dalawang beses ng hindi dumalo sa imbitasyon ng senado ang Alkalde.

Inirekomenda ni Senator Joel Villanueva na padalhan ng subpoena si Calugay upang mapilitan na itong dumalo sa susunod na pagdinig.

Matatandaan na si Calugay ay hindi nakadalo sa unang pagdinig dahil ito sa di umanoy tinamaan siya ng dengue.

Ang alkalde ay inuugnay na karelasyon diumano ni Dismissed Bamban Mayor Alice Guo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments