𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗥𝗔𝗠𝗕𝗢𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗧𝗔𝗬𝗨𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗞𝗢𝗠𝗣𝗥𝗢𝗡𝗧𝗔𝗛𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗙𝗪 𝗔𝗡𝗚 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢’𝗬 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗚𝗨𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗦𝗜𝗦 𝗡𝗜𝗧𝗢

Sugatan sa naganap na rambolan ang 22 anyos na residente ng Brgy. Magallanes, Tayug matapos itong aksidenteng matamaan ng martilyo.

Nag-ugat ang insidente sa komprontasyon ng isang OFW kinilala bilang si Von Quitola sa isang lalaki na tinukoy bilang si Norby Palaruan matapos mapag alaman na may relasyon umano ito sa kanyang misis.

Naganap ang insidente sa municipal gym ng Tayug kung saan nagsuntukan umano ang dalawa saka biglang binugbog din si Quitola ng mga di pa nakikilalang lalaki. Dito na inilabas ng suspek ang martilyo kaya natamaan ang biktima na si John Justine Romero na noo’y nasa likod nito.

Itinakbo sa pagamutan ang biktima at kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad para sa imbestigasyon sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments