𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 – 𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗔 𝗔𝗖𝗖𝗢𝗨𝗡𝗧 𝗛𝗔𝗖𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗦𝗢𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗠𝗘𝗗𝗜𝗔, 𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗘𝗧𝗜𝗭𝗘𝗡𝗦

Ikinabahala ng ilang netizens sa Dagupan City ang sunod sunod na pagkakahacked ng mga account sa social media lalo na sa online platform na facebook.
Nitong mga nakaraan,ilang mga government facebook pages ang nabiktima ng hacking kung saan ay awtomatikong nagpopost ng mga link na wala namang kinalaman sa ahensya.
Ayon sa ilang mga netizens, doble ang security features ng meta kaya naman ginagamit nila ito para lalong maprotektahan ang kanilang mga social media accounts.

Ang ilan kasi sa mga social media accounts na kanilang ginagamit ay nakalink sa ilang business transactions at kahit sa kanilang mga online money transfers.
Sa ngayon, doble ang security ng karamihan sa mga netizens para iwas sa mga mapagsamantalang hackers online. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments