𝗦𝗨𝗡𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗟𝗘𝗡𝗚𝗞𝗘 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗗𝗜𝗡𝗜𝗡𝗜𝗚; 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗞𝗔𝗟𝗔𝗧 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗠𝗣𝗢𝗥𝗠𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡, 𝗛𝗨𝗠𝗜𝗡𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗨𝗠𝗔𝗡𝗛𝗜𝗡

Cauayan City – Nagkaroon ng pagdinig sa pagitan ng Bureau of Fire Protection Cauayan City at mga biktima, kasama ang mga opisyal ng LGU Cauayan kaugnay pa rin sa nangyaring sunog sa Cauayan City Private Market.

 

Sa eksklusibong panayam ng iFM News Team kay Senior Fire Officer 2 Trinidad Arroyo, labis itong nagpapasalamat sa ginawang public hearing dahil sa wakas ay nabigyang linaw na ang mga akusasyong ibinabato laban sa kanila.

 

Personal din umanong humarap sa pagdinig ang nag-post ng maling impormasyon sa social media at emosyonal na humingi ng paumanhin sa mga nasabi nito.


 

Labis ring nagpapasalamat ang pamunuan ng BFP Cauayan City sa mga indibidwal na nagsilbing saksi at nagpatunay sa kanilang agarang pagresponde sa sunog.

 

Samantala, binigyang linaw naman ni SFO2 Arroyo na ang nakikitang pinagmulan ng sunog ay Electrical Short Circuit, taliwas sa lumalabas na impormasyon na nagmula ang sunog sa dangling wires o mga nakalaylay na kuryente.

Facebook Comments