
βCauayan City – Isang sunog ang sumiklab sa bilihan ng mga paputok sa Bulanao Public Market sa Tabuk City, Kalinga nito lamang Miyerkules, ika-31 ng Disyembre bago ang pagsisimula ng pagdiriwang ng Bagong Taon.
βBatay sa CCTV footage, may isang paputok na tumama sa isang puwesto bago naganap ang insidente.
Dahil dito, sunod-sunod na sumabog ang mga paputok na naka-display na naging sanhi ng mabilis na pagkalat ng apoy sa mga karatig-puwesto.
Agad namang rumesponde ang Bureau of Fire Protection (BFP) – Tabuk upang apulahin ang apoy kung saan idineklarang kontrolado ang sunog alas-11:58 ng gabi at tuluyang naapula bandang alas-12:01 ng madaling araw.
βSamantala, batay sa paunang ulat ng BFP-Tabuk, dalawang indibidwal ang nagtamo ng pinsala habang ilang tindahan ng paputok ang nasunog dahil sa insidente.
βPhoto credit to: BFP-Tabuk
ββ—————————————
β
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β
β#idol
β#numberone
Facebook Comments










