𝗦𝗨𝗣𝗘𝗥 𝗛𝗘𝗔𝗟𝗧𝗛 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥𝗦 𝗙𝗔𝗖𝗜𝗟𝗜𝗧𝗜𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗦𝗜𝗬𝗔𝗠 𝗡𝗔

Kabuuang siyam na super health centers na ang naipatayo sa buong lalawigan ng pangasinan, ayon kay rd dr. Paula Paz Sydiongco ng Department of Health – Center for Health Development Region 1.

Matatagpuan ang naturang health facility sa mga bayan ng Asingan, Balungao, Basista, Binalonan, Mapandan, Tayug, Umingan at sa Alaminos City.

Hatid ng SHC ang dekalidad na mga serbisyong medikal lalo na para sa mga residente na mula pa sa malalayong lugar, upang sa kabuuan ay mapalakas ang healthcare system sa mga lokalidad.

Samantala, sa buong ilocos region, labing-isang SHC na napapakinabangan na ng mga residente kabilang ang SHC sa Tagudin, Ilocos Sur at San Fernando City, sa La Union. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments