𝗦𝗨𝗣𝗟𝗔𝗬 𝗔𝗧 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗟𝗔𝗬, 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗗𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚-𝗨𝗨𝗟𝗔𝗡

Halos triple ang itinaas ngayon ng ilang gulay na ibinebenta sa mga pamilihan sa Pangasinan dahil sa mga nagdaang pag-uulan.

Ayon sa ilang tindera, kakaunti ang suplay ng gulay na kanilang natatanggap kaya’t may pagtaas sa presyo nito ngayon.

Sinabi naman ni SINAG Chairman Engr. Rosendo So, madalas talagang maranasan ang biglang pagtaas sa presyo ng gulay sa panahon ng tag-ulan partikular na sa highlands.

Sa mga susunod na linggo aniya asahan aniya ang pagbaba ng presyo ng gulay dahil sa posibleng pagdami ng suplay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments