Matatag hanggang sa kasalukuyan ang produksyon ng Bangus sa Dagupan City sa kabila ng nararanasang El NiΓ±o Phenomenon.
Ayon kay Mayor Fernandez, wala pa umanong suliranin sa mga fishponds at tuloy tuloy pa rin ang produksyon ng produktong Bangus ngayon.
Matatandaan na nauna na ring ipinahayag ng City Agriculture Office Dagupan na wala pa silang natatanggap na report ukol sa mass mortality ng mga isda noong mga nakaraang linggo kung saan nakaranas ang lungsod ng malamig na panahon bunsod ng Hanging Amihan.
Tiniyak din ng pamunuan ng CAO katuwang ang Task Force Bantay Ilog ang nagpapatuloy na monitoring sa mga bangus growing areas upang masiguro kung may naitalang kaso ng anumang suliranin pagdating sa mga fish production.
Samantala, bumaba ng hanggang bente pesos ang presyuhan sa kada kilo ng Bangus sa mga pamilihan bunsod ng maraming suplay nito sa merkado. |πππ’π£ππ¬π¨