Nananatiling matatag ang suplay ng Bangus sa lungsod ng Dagupan bago at sa kasagsagan ng Semana Santa.
Ayon sa ilang fish vendors, madalas hanggang sa kasalukuyan ang pagbagsak ng naturang produkto sa mga pampublikong pamilihan kaya’t nararanasan ang maraming suplay nito.
Naglalaro sa ₱130 hanggang ₱150 ang kada kilo ng Bangus na may katamtamang laki, nasa ₱170 hanggang ₱180 naman ang mga medium hanggang large size na Bangus.
Samantala, ilang mga bangus growers sa ngayon ang nakakaranas ng pagkamatay ng mga isda dahilan ang pabago-bagong panahon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments