𝗦𝗨𝗣𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗨𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗡𝗔 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗥𝗢𝗪𝗘𝗥𝗦

Masagana ang suplay ng produktong bangus ngayong ayon sa ilang bangus growers sa lungsod ng Dagupan.

Nasa hanggang dalawang beses kada linggo ang nahaharvest na mga bangus dahil sa maayos na produksyon ng mga ito.

Sa Magsaysay Fish Market, naglalaro sa hanggang P150 hanggang P180 ang presyo ng nasabing produkto.

Bagamat masagana, nakararanas umano ang ilang growers at vendors ng pagtumal sa bentahan nito kaya ibinababa pa sa P130.

Samantala, ilang pang mga fish products ay nananatili sa presyo at kung may pagbabago man ay bahagyang pagbaba o pagtaas lamang ito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments