𝗦𝗨𝗣𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗚𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗦𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗡𝗙𝗔

Sapat diumano ang suplay ng bigas hanggang sa susunod na anihan, ayon kay NFA Eastern Pangasinan assistant branch manager Frederick Dulay.

Bagamat hindi naabot ang procurement target ng ahensya noong nakaraang taon, siniguro ni Dulay ang sapat na suplay ng bigas sa probinsiya.

Sa kasalukuyan, mayroon diumanong nakaimbak, na 20,000 na sako na tig-50 kilong bigas o nasa 1,000 metrikong tonelada, na nakolekta ng ahensya, simula oktubre hanggang disyembre sa nakalipas na taon.

Dagdag pa nila na 20,805 sako ang kanilang naimbak noong nakaraang taon, mas mababa sa 485,500 na target ng ahensya.

Samantala, nilinaw ni Dulay na hindi makakaapekto ang mababang buffer stock at walang direktang epekto, diumano ito sa suplay ng bigas sa lalawigan.

Sa kabilang banda, ang NFA ay umaasang makapag-iimbak ng 100,000 sako ng bigas na bibilihin sa mga lokal na magsasaka sa darating na anihan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments