𝗦𝗨𝗣𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗗𝗨𝗚𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗖𝗢𝗦 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡, 𝗦𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗢𝗛

Nananatiling sapat ang suplay ng dugo sa Ilocos Region ayon sa tanggapan ng Department of Health – Center for Health Development 1.

Sa panayam ng IFM Dagupan kay Medical Officer IV Dr. Rheuel Bobis, matatag ang suplay ng dugo at patuloy na ginagamit ang nalilikom na dugo ng mga nangangailangan nito lalo na ang mga natukoy na severe dengue patients.

Sa kabila nito, hinimok ang publiko na makiisa sa isinasagawang mga blood donation drive kahit isang beses sa loob ng kada tatlong buwan upang mapanatili ang sapat na suplay.

Samantala, kaugnay nito, iginiit ni Bobis ang paalala sa mga nakararanas sintomas ng dengue na magpagamot dahil nakakamatay ang sakit kung hindi nabigyan ng agarang medical assistance. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments