𝗦𝗨𝗣𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗗𝗨𝗚𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗞𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔

Hinihikayat ngayon ng Pangasinan Provincial Hospital (PPH) ang publiko na makiisa sa mga blood donation drives na isinasagawa sa bawat bayan o establisyimento dahil sa kakulangan ng suplay ng dugo sa lalawigan.

Sa pahayag ni Provincial Hospital Services Management Office Medical Officer III Dra. Racquel Ogoy sa naganap na Sangguniang Panlalawigan Session kahapon, inilahad nito na nagkakaroon ng kakulangan sa suplay ng dugo sa lalawigan sa kasabay na rin ng pagtaas ng kaso ng dengue mula Enero hanggang ngayong buwan.

Hinimok din ni Ogoy ang mga kapwa nito doctor na huwag gawing solusyon ang blood transfusion sa sakit na dengue maliban na lamang kung may massive bleeding ang pasyente.

Ang Pangasinan Provincial Hospital lamang ang tukoy na blood bank sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments