Iginiit ng La Union Office of the Provincial Veterinarian na sapat ang suplay at ligtas sa public consumption ang mga karneng baboy na inilalako sa mga pamilihan sa kabila ng naitatalang kaso ng Africam Swine Fever sa lalawigan.
Ayon kay Provincial Veterinarian Dr. Domingo Bobby Calub III, pinaigting pa ang mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat pa ng ASF sa La Union. Kabilang dito ang culling operation, checkpoints at ASF Testing sa mga alagang baboy.
Sa pagtatala ng tanggapan, umaabot mula 40,468 kilos hanggang 75,122 kilos ang average daily production ng karneng baboy sa probinsya.
Samantala, sa naging panayam ng IFM News Dagupan kay SINAG Chairperson kamakailan, inihayag nitong maaring sa susunod na taon pa maranasan ang kakulangan sa suplay ng karneng baboy sa bansa dahil paubos na lamang ang kasalukuyang suplay nito ngayon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨