Nananatiling matatag ang suplay ng karne ng baboy at manok sa Mangaldan ayon sa mga negosyante.
Ayon sa ilang tindera, sapat pa rin naman umano ang suplay ng kanilang mga pinagkukunan ng karne lalo ngayong inaasahang lalakas ang bentahan dahil holiday season.
Anila, nakadepende ang presyuhan sa magiging demand ngayong holiday season.
Dahil dito asahan na umano ang pagbabago sa presyo pagpasok ng Disyembre.
Sa ngayon, normal pa ang bentahan ng karne sa nasabing pamilihan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments