Nananatiling matatag ang suplay ng pagkain sa buong Ilocos Region, ito ang tiniyak ni Department of Agriculture – Regional Office 1 Technical Director Dennis Tactac.
Ayon kay Engr. Tactac, mataas ang production level ng mga pangunahing commodities sa rehiyon, tulad ng palay, mais, kamatis, sibuyas, mangga, bawang, mungo, baka, kambing, baboy, at ng manok.
Dagdag pa niya, na ang lahat ng ito ay base sa mga impormasyon na kanilang naitala noong taong 2022, mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Dahil dito, patuloy ang kanilang pagsasagawa ng iba’t ibang programa upang panatilihin ang suplay sa agrikultura, tulad ng pamamahagi ng cash, rice seeds, fuel subsidies, at mga makinarya ngayong taon.
Samantala, umaabot naman sa ₱1.13 billion ang inilaan ng ahensya sa pagsuporta sa mga magsasaka sa buong rehiyon.
Sa ngayon, sa kabila ng banta ng el niño sa buong bansa, hinihikayat nila ang bawat magsasaka na matuto at sanayin ang pagtitipid ng tubig upang makapagproduce ng magandang ani. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨