Siniguro ng bureau of fisheries and aquatic resources o bfar region 1 ang nagpapatuloy na suporta nito sa mga mangingisda ng rehiyon.
Ayon sa ahensya, prayoridad nito na mabigyan ng kagamitan sa pangingisda ang mga mangingisda dito upang mapataas ang kanilang kita. Kabilang na rin dito ang mga pagbibigay ng mga seminar sa pagpapatakbo ng palaisdaan, pagproseso at pag-imbak ng mga produkto.
matatandaan na nagsimula nang mamahagi ang bfar sa mga rehistradong mangingisda ng tilapia at hito fingerlings, feeds, nets,timbangan at cooler boxes.
ilan din sa ipinagkakaloob ng tanggapan sa mga naguumpisa pa lamang na asosasyon ng mga mangingisda ay mga kagamitang teknolohiya para sa bangus deboning, fish sauce making at iba pang angkop sa kanilang ikinabubuhay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨