
βCauayan City – Ibinahagi ng Red Cross Cauayan Branch na kasalukuyang mababa ang kanilang supply ng dugo ngayong katapusan ng Enero,
βAyon sa Red Cross Cauayan, hinihikayat nila ang mga kwalipikadong indibidwal na personal na magtungo sa kanilang opisina upang mag-donate ng dugo.
β
βIpinapaalala rin nila na ang mga donor ay dapat may sapat na pahinga, nasa mabuting kalusugan, at walang nararamdamang ubo o sipon sa araw ng donasyon.
βIbinahagi rin ng sangay na noong nakaraang taon ay naging sapat ang kanilang blood supply matapos magsagawa ng bloodletting activity bago ang Pasko at Bagong Taon, kung saan nakalikom sila ng humigit-kumulang 225 bags ng dugo.
β
βGayunman, hindi ito nagtatagal dahil limitado lamang ang panahon ng paggamit ng dugo.
βNilinaw ng Red Cross Cauayan na ang dugo ay may shelf life na 35 days lamang at kinakailangang itapon kapag lumampas na sa panahong ito.
β
βBukas ang kanilang opisina para sa mga nais mag-donate mula alas-8 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.










