𝗦𝗨𝗥𝗙𝗘𝗥 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗔 𝗨𝗡𝗜𝗢𝗡 𝗪𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗪𝗢𝗥𝗟𝗗 𝗦𝗨𝗥𝗙 𝗟𝗘𝗔𝗚𝗨𝗘 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗜𝗙𝗢𝗥𝗡𝗜𝗔

Wagi bilang 2nd World No.2 Surfer ang isang Elyu Surfer na si Rogelio Esquivel Jr. o kilala bilang Jay-R sa International LongBoard Rankings World Surf League 2024 sa Huntington Beach, California.

Ipinamalas nito ang galing habang nakikipagsabayan sa naglalakihang alon sa naganap na kompetisyon.

Ayon kay Esquivel, bata pa lamang ito ay nahilig na siya surfing dahil lumaki ito sa surfing capital of the North ang bayan ng San Juan sa La Union.

Aniya, nais niyang ipagmalaki ang husay ng Pinoy sa buong mundo sa larangan ng Surfing.

Sumabak din si Esquivel sa iba pang surfing competition mulan sa Indonesia, Korea at Japan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments