𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗞 𝗦𝗔 𝗟𝗜𝗞𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗨𝗪𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗦𝗖𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗚𝗨𝗘𝗚𝗔𝗥𝗔𝗢, 𝗗𝗜𝗡𝗔𝗞𝗜𝗣 𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗬𝗔

CAUAYAN CITY – Sinilbihan ng warrant of arrest (woa) ang isang ginang na itinuturong nasa likod ng malawakang paluwagan scam umano sa lungsod ng Tuguegarao.

Sa ulat ng Cagayan Provincial Information Office, nakilala ang suspek sa alyas na “Liz”, 27-anyos, at residente ng Gunnacao Street, Brgy. Cataggaman Nuevo.

Una rito, Hulyo 10, 2024 nang ilabas ng Regional Trial Court ang woa ng suspek at nang makatanggap ang hanay ng kapulisan ng tip sa kinaroroonan ni alyas “Liz” ay kaagad nila itong isinilbi upang arestuhin dahil sa kasong Estafa.


Matatandaang tinututukan ngayon ng Lokal na Pamahalaan ng Tuguegarao sa pamamagitan ni Mayor Maila Ting Que ang talamak na investment scam sa lungsod.

Ang hakbang ay kasunod na rin na inihaing kaliwa’t-kanang reklamo ng mga naging biktima umano ng suspek.

Gayunman, hindi rin nagtagal sa kulungan ang suspek dahil nakalaya rin ito kaagad matapos mag bayad ng piyansa na nagkakahalaga ng P48,000.

Facebook Comments