𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪 𝗡𝗚 𝗩𝗔𝗨𝗟𝗧 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗟𝗔𝗟𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝟳𝗠 𝗦𝗔 𝗕𝗢𝗟𝗜𝗡𝗔𝗢, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗣

Patuloy na pinaghahanap ng awtoridad ang suspek sa pagnanakaw ng vault na naglalaman umano ng P7 million na pagmamay-ari ng maglive-in partner na sina Rhonna Rios at Albert Datu.

Ayon sa imbestigasyon, nagpunta umano sa bahay ang caretaker nito na si Ronald Reyes upang pakainin ang mga alagang aso. Una nitong napansin na hindi nakasarado ang gate. Nang matapos ay saka na nito napansin na bumagsak ang screen window sa bahay.

Agad niya itong ipinaalam sa may-ari at pinatignan sa kanya ang vault umano sa kwarto nito. Napag-alaman na nawawala na ang nasabing vault.

Sa salaysay naman ng kapitbahay ng biktima, kapansin pansin umano nang araw na iyon ang pagpasok ng isang sasakyan sa bahay ng biktima. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments