𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗪𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗠𝗕𝗜𝗡𝗚, 𝗦𝗨𝗠𝗨𝗞𝗢 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗠𝗣𝗦

Personal na sumuko sa awtoridad ang singkwenta y nueve anyos na Rogelio Pajilona, residente ng Purok 2 Brgy.Bolosan, San Carlos City, suspek sa pamamaril sa biktimang si Philip De Guzman.

Sa imbestigasyon lumalabas na magkasama umano ang dalawa sa bahay ng suspek. Nagkaroon ng mainit na sagutan ang mga ito tungkol sa nawawalang kambing na pagmamay-ari ng suspek.

Bunsod nito inilabas ng suspek ang calibre . 38 nitong baril at pinaputok ng dalawang beses sa biktima. Malubha ang tama ng biktima na dahilan ng agaran nitong pagkamatay.

Narekober ang armas ng suspek at ipapadala sa Pangasinan Provincial Forensic Unit 1. Nasa kustodiya ng San Carlos Municipal Police Station ang suspek at kasalukuyang inihahanda ang kasong kakaharapin nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments