Monday, March 23, 2026

𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗚𝗔𝗛𝗔𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗧𝗔𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

Cauayan City – Arestadoo. 9 Regional Top Most Wanted Person sa Cagayan Valley matapos masakote sa isinagawang operasyon ng Aritao Police Station sa Barangay Calitlitan, Aritao, Nueva Vizcaya nitong March 22, 2026.

Kinilala ang suspek bilang alyas “Francis Monier,” 25-anyos, binata, construction worker, at residente ng nasabing lugar.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen noong July 2024 kung saan pinagsamantalahan umano ng akusado ang apat na taong gulang na biktima habang ito ay naglalaro sa kanilang tahanan at walang kasama.

Lumabas din sa imbestigasyon na tinakot umano ng suspek ang bata at pinagbantaan na sasaktan sakaling magsumbong.

Noong February 4, 2025, nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktima kasama ang kanyang ina, na live-in partner ng akusado upang iulat ang insidente.

Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 37 sa Bayombong, Nueva Vizcaya, na walang inirekomendang piyansa.

Samantala, mahaharap ang suspek sa kasong rape by sexual assault.

Source: PRO2

Facebook Comments