𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗙𝗔𝗖𝗘-𝗧𝗢 𝗙𝗔𝗖𝗘 𝗖𝗟𝗔𝗦𝗦𝗘𝗦 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗛𝗢𝗡 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗠𝗔𝗞𝗔𝗞𝗔 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗔𝗗𝗝𝗨𝗦𝗧𝗘𝗗 𝗘𝗡𝗗 𝗢𝗙 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟 𝗬𝗘𝗔𝗥 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗘𝗣𝗘𝗗

Hindi nakakaapekto ang sunod sunod na suspension ng mga face to face classes ang adjusted na school year.

Ito mismo ang sinabi at pagtitiyak ni DepEd Regional Director Tolentino Aquino.

Aniya, nasanay na ang mga guro Lalo na sa usapin ng modular distance learning dahil sa pandemic na dulot ng COVID-19 noon.

Nagpasalamat naman ang opisyal sa mga LGU sa pag-antabay lalo sa declaration ng suspension ng classes kapag napansin na mainit ang panahon .

Samantala sinabi nito na Pinapayagan naman ang mga school heads o principals na magdesisyon sa suspension ng face to face kung sa tingin nila ay masyado talagang mainit para sa mga bata.

Nagbaba na din Aniya ng kautusan kaugnay sa pag-aalis ng mga kurtina sa mga bintana upang makapasok ang hangin sa mga paaralan.

Maging sa pagsusuot ng mga uniform sa mga paaralan ay nagluwag na sila aniya at bagkus pwede ng magsuot ng mas komportableng kasuotan ang mga estudyante. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments