𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗡𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗙𝗔𝗖𝗘-𝗧𝗢-𝗙𝗔𝗖𝗘 𝗖𝗟𝗔𝗦𝗦𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗

Muling ipinatupad ang suspensyon ng face-to-face classes sa lungsod ng Dagupan, kahapon, dahil sa matinding init na inaasahang muling mararanasan matapos na makapagtala noong isang araw ng abot sa 51 degrees Celsius na heat index.

Sa maagang inilaba na update ng Local Government Unit ng Dagupan City kahapon, nakasaad na suspendido ang klase sa lahat ng antas mula pampubliko o pribadong eskwelahan, dulot pa rin ng mainit na panahon na nararanasan sa lungsod.

Sa forecast ng PAGASA ngayong araw, inaasahan na ang nararanasang temperatura ng heat index sa Dagupan City ay nasa 49 degrees Celsius.

Bagamat, mataas ang inaasahang heat index ngayon araw ay hindi naman papatinag umano ang mga manonood sa Bangusan Street Party na siyang gaganapin mamayang hapon sa bahagi ng De Venecia Rd. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments