𝗦𝗨𝗦𝗧𝗔𝗜𝗡𝗔𝗕𝗟𝗘 𝗟𝗜𝗩𝗘𝗟𝗜𝗛𝗢𝗢𝗗 𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠 𝗩𝗔𝗟𝗜𝗗𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡

Cauayan City – Matagumpay na isinagawa ang Sustainable Livelihood Program (SLP) Validation noong ika-2 ng Enero 2025.

Ito ay sa pangunguna ni Mayor Jay Diaz at sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2.

Kabilang sa mga lumahok ay mga residente mula sa mga barangay ng Centro Poblacion, Bagumbayan, Sta. Barbara, Baculod, San Vicente, Camunatan, Sto. Tomas, Guinatan, Osmeña, at Baligatan.


Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lokal na pamahalaan na maitaguyod ang kabuhayan ng bawat pamilya sa lungsod.

Pinatutunayan nito ang dedikasyon ng administrasyon sa pagbibigay ng tulong at oportunidad para sa mas maunlad na kinabukasan ng bawat Ilagueño.

Facebook Comments