Nagliyab ang isang SUV sa kahabaan ng Brgy. Salet Bulangon, Laoag City, Ilocos Norte.
Ayon sa driver ng sasakyan, napansin na lamang niyang nagliliyab ang kaniyang sasakyan ng senyasan siya ng kasalubong na motorista.
Nagtulong tulong pa ang ilang motorista upang apulahin ang nasusunog na sasakyan ngunit bigo ang mga ito.
Hinihinalang nagkaproblema ang wirings ng ilaw ng sasakyan dahilan ng pagliyab.
Ligtas naman ang driver ng sasakyan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments