𝗦𝗪𝗘𝗗𝗜𝗦𝗛 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡𝗔𝗟, 𝗡𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Patay ang isang 44 anyos na swedish national matapos malunod sa Romulo Island Brgy. Lucap, Alaminos City, Pangasinan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sakay ng bangka ang biktima kasama ang kaniyang mga kaibigan patungong Romulo Island.

Nang malapit na ito sa isla tumalon ang biktima sa dagat upang maligo.

Ilang minuto pa lamang ay napansin na ng kaniyang kasama na ito ay lumulutang at walang malay.

Agad na sinaklolohan ng pulisya ang biktima at dinala sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng doctor.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments