𝗦𝗪𝗜𝗡𝗘 𝗔𝗥𝗧𝗜𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗜𝗡𝗦𝗘𝗠𝗜𝗡𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧, 𝗜𝗧𝗔𝗧𝗔𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗜𝗡𝗙𝗔𝗡𝗧𝗔

Inaasahan na mas lalakas ang hog industry sa bayan ng Infanta dahil sa itatayong Swine Artificial Insemination sa Barangay (SWAIB) Project sa Infanta, Pangasinan.

Isinagawa ang ground breaking sa naturang proyekto sa Hacienda Quinitio Integrated Farm na pinangunahan ng Agricultural Training Institute-Regional Training Center.

Ang SWAIB Project ay daan upang makapag produce sa pagpaparami ng semilya upang makagawa ng mas mataas na kalidad ng baboy.

Layunin din ng proyekto na makapag suplay ng semilya sa mga kalapit na bayan. Sa ilalim ng SWAIB Project itatayo dito ang artificial insemination laboratory, artificial insemination equipment at iba pang kinakailangan na pasilidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments