
Suportado ni Senate Majority Leader Francis โTOLโ Tolentino ang Senate Bill na nagdedeklara sa Pampanga bilang Culinary Capital ng Pilipinas.
Sa isang flag-raising ceremony ngayong Lunes ng umaga na ginanap sa Kapitolyo ng Pampanga, buong paghangang inilahad ni Tolentino ang kahusayan ng mga Kapampangan sa sining ng pagluluto at pati na rin sa paggawa ng mga parol.
โIyong culinary capital, talagang deserving ang Pampanga. Masarap ang pagkain dito. Karapat-dapat silang makilala bilang Culinary Capital ng Pilipinas,โ pahayag ni Tolentino, na nagbigay-diin sa pagpapahalaga sa natatanging kultura at tradisyon ng lalawigan.
Binigyang-diin pa ng senador na ang Pampanga ay hindi lamang kilala sa masasarap na pagkain kundi pati na rin sa dedikasyon at talento ng mga Kapampangan sa paggawa ng mga parol, isang simbolo ng kanilang pagka-malikhain.

โAng paggawa ng parol sa Pampanga ay isang mahusay na halimbawa ng teamwork, disiplina, at pagiging malikhain. Ang bawat detalye ng parol ay may halaga, at bawat kable, bawat ilaw, ay isang patunay ng galing ng mga Kapampangan,โ dagdag ni Tolentino.
Lubos na nagpapasalamat si Vice Governor Lilia โNanayโ G. Pineda kay Senator Tolentino sa patuloy nitong suporta sa Pampanga, lalo na sa panukalang batas na magtatanyag sa lalawigan bilang culinary capital ng Pilipinas.
โAng pagkilalang ito ay isang malaking hakbang tungo sa pagpapalago ng ekonomiya ng Pampanga at pagpapalakas sa turismo. Ang Culinary Capital Bill ay magbibigay sa amin ng pagkakataon na ipagmalaki ang mga likha ng Kapampangan at mas mapalago ang aming mga industriya,โ pahayag ni Vice Governor Pineda.
Pahayag pa ng bise gobernadora na dahil sa suporta mula sa mga lokal na opisyal at mamamayan, inaasahan ng mga Kapampangan na magdudulot ng mas maraming oportunidad at pag-unlad ang pagkilala sa Pampanga bilang Culinary Capital.
โMakikinabang hindi lamang ang mga negosyo at industriya ng pagkain, kundi pati na rin ang kultura, sining, at kabuhayan ng bawat Kapampangan,โ dagdag pa ng bise gobernador.
#newslinecentralluzon
#kasamakaikawangbida
#1031FM
https://www.facebook.com/share/p/1Da5FH14C2/