Pinag-aaralan na ng grupo ng mga jeepney drivers and operators sa Pangasinan ang posibleng pakikipagdayalogo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board sa maaring taas pasahe.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay One Pangasinan Transport Federation President Bernard Tuliao, bagamat malaking dagok ang kanilang naranasan ay ayaw nila itong biglain dahil ayaw nilang maging pasanin pa ito ng mga komyuter sa araw-araw.
Dahil dito, nananawagan ang ilang tsuper sa probinsiya sa gobyerno na gumawa ng hakbang upang matulungan ang mga apektadong drivers.
Sa ngayon, nasa trese pesos ang minimum na pamasahe sa pampasaherong jeepney sa Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments