Aasahan ang price adjustments ng ilang mga Basic Necessities at Prime Commodities sa mga susunod na linggo, ayon sa pamunuan ng Department of Trade and Industry o DTI.
Kabilang sa mga bilihin na may inaasahang paggalaw mula sa kasalukuyang presyo ay ang sabon, instant noodles, bottled water at iba pa.
Nauna nang naaprubahan ng dagdag presyo sa mga produktong ilang uri ng sabon, canned sardines at powdered milk nito lamang buwan ng Enero ngayong taon.
Matatandaan na matagal nang may hirit na taas presyo ang mga product manufacturers at masusi naman itong pinag-aaralan ng DTI.
Samantala, ilang mga Pangasinenses, daing ang patuloy na nararanasan ng taas presyo sa mga pangunahing bilihin tulad ng bigas, karne, gulay at iba pa. | 𝙞𝙛𝙢 𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments