𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗔𝗦𝗜𝗖 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗢𝗗𝗜𝗧𝗜𝗘𝗦, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗔𝗠𝗕𝗔 𝗡𝗔; 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘𝗦, 𝗗𝗔𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗚𝗥𝗢𝗖𝗘𝗥𝗬 𝗜𝗧𝗘𝗠𝗦

Ilang tukoy na mga Basic Necessities and Prime Commodities na ang nakaambang sumirit ang suggested retail price o SRP tulad ng gatas at delata bunsod ng matagal nang hirit ng mga product manufacturers na taas presyo ng nasa limampu’t-siyam (59) na mga produkto.

Sa kasalukuyan, bagamat may nakabinbin nang mga notice of price adjustments ay hindi muna ipapatupad ang hiling na price increase ngunit ngayong buwan din ay uumpisahan na umano ang pagpapalabas ng desisyon kaugnay nito ng pamunuan ng Department of Trade and Industry (DTI).

Sa kabilang banda, ilang mga Pangasinenses ang dumadaing sa nararanasang nananatiling mataas na presyo ngayon ng ilang mga grocery items tulad ng delata na halos nasa hanggang sampung piso umano ang itinaas.

Mataas din daw sa ngayon ang presyuhan sa bigas maging ilang pang mga pangunahing mga bilihin kaya’t aminado na hirap ang mga ito sa pagbabudget.

Samantala, ilan sa mga inaasahang magkakaroon ng price adjustments ngayong 2024 bunsod ng pagsasaalang-alang ng mga manufacturers sa gastos sa raw at packaging materials ay ang mga produkto gaya ng processed milk, kape, tinapay, instant noodles, bottled water, processed canned meat at canned beef, condiments, batteries, toilet soap, at kandila. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments