𝗧𝗔𝗔𝗦-𝗦𝗔𝗛𝗢𝗗, 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗪𝗔𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗚𝗥𝗨𝗣𝗢 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗚𝗨𝗥𝗢 𝗦𝗔 𝗦𝗢𝗡𝗔 𝗡𝗜 𝗣𝗕𝗕𝗠

Umaasa ang Alliance of Concerned Teachers o ACT Partylist na maisasama sa SONA ng pangulo ang tungkol sa taas sahod ng mga guro sa Pilipinas.

Sa naging panayam ng iFM Dagupan kay ACT Partylist Representative France Castro, ito umano ang pangunahing kagustuhan ng mga mamamayan at mga guro, gayundin ang pagpapababa ng presyo ng mga bilihin.

Diumano, inaasahan nila ang paglalatag ng plano ng Pangulo sa pagsugpo ng kahirapan sa bansa dahil band-aid solution lang ang ginagawa ng administrasyon.

Matatandaan na kumpiyansa ang bagong talagang DepEd Secretary Senator Sonny Angara na itataas ang sweldo ng kaguruan sa susunod na taon.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments