𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗦𝗜𝗡𝗚𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗖𝗢𝗥𝗣 𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗜𝗕𝗢 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗨𝗪𝗔𝗡

Inanunsyo ng Dagupan Electric Corporation o DECORP na magpapatupad ito ng 2.189 pesos kada kilowatt hour(kWh) na taas singil sa kuryente ngayong buwan.

Dahil dito, ang over all electricity rate ngayong buwan ay 11. 0605 kWh mula sa 8. 871 kWh noong buwan ng Hunyo. Ayon sa DECORP, ang taas singil ay bunsod nang pagtaas ng generation charge na dulot ng mas mataas na presyo ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Paalala ng tanggapan sa mga consumers, ipagpatuloy ang pagtitipid sa paggamit ng kuryente upang maiwasan ang lalong pagtaas umano ng konsumo.

Sakop ng DECORP ang Ang Dagupan City, Calasiao, Sta. Barbara, San Jacinto, San Fabian at Manaoag. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments